Last month, nagpakabog masyado si Lolo January, bringing two full moons sa umpisa at huli! Basta nasa Leo ang Super Blue Blood Moon, dramatic ending or even new beginnings talaga! Magtataka ka pa ba? Hay, salamat at second month na ng taon! Kumusta ang resolutions? Ang tema ng buwan ay tungkol sa pagbabago, new priorities, and pursuing passion.

Mema lang ang energy this Valentine’s Day dahil sa paparating na New Moon na may extra pa-partial solar eclipse this February 15. This signals the time to plant new intentions and beginnings with a positive outlook. Fresh start, ba! February 16 na rin pala ang start ng Chinese New Year. Earth Dog! This will bring a sense of collaboration and relief compared sa talak ng Fire Rooster last year.

ARIES (MAR 21-APR 19)
Ang dami mong love para sa sarili, share mo naman sa iba! Focus on loving and complimenting others this month. Baka magkaroon ng panibagong romance or change in your romantic status (‘luh!).

Ibabalanse ng Super Blue Blood Moon ang iyong work and family life. Work hard, play hard ang motto mo this month. Magkakaron ka rin ng renewed sense of enthusiasm when it comes to starting new things kaya i-push mo na ‘yan! Boosted ang confidence mo this month, so follow your instincts, you’re most likely doing the right thing. Kung may minamatang jowa-to-be, oras na to ask that person out! Kung namamayagpag naman ang buhay may syota at naghahanap ka ng sign to say yes (‘ika nga ni Mama Beyoncé, if you liked it, then you should have put a ring on it!), eto na ‘yon bes. ETO NA ‘YON.

Alam kong umpisa pa lang ng taon sinisimulan ka na ng problema, pero laging tandaan, dapat i-save ang energy for the best parts of the year.

 

TAURUS (APR 20-MAY 20)
Sobrang busy mo this month, mahihirapan kang mag-juggle between your career and family responsibilities. Magpapatong-patong ang load at demands ng trabaho mo, kaya don’t forget to rest, gumimik o chumika once in a while to destress para sa week ng Valentine’s, may energy ka pang maka-aura. Kung may natitipuhan, idaan sa masayang usapan–charm ang pabaon sa iyo ng universe sa buwang ito. Change is coming sa iyong love life and anything that has to do with commitment at alam ko, dear Taurus, na hirap ka pagdating sa mga pagbabago but your willingness to adjust and accept will go a long way.

Bago matapos ang Pebrero, sana na-check mo sa iyong to-do list ang bonding time with family kahit isang beses lang. As the month ends, magiging mas motivated and enthusiastic ka, gamitin ito to make a good impression. Likewise, mas lalong titibay ang work ethic mo at patience sa lahat ng bagay. At the end of it all, Taurus, comes a fruitful recognition, kaya kapit lang. Your hardwork will be appreciated, naghihintay lang ng takdang panahon.

 

GEMINI (MAY 21-JUN 20)
Critical ang month na ito para sa’yo, kaya hangga’t maaga pa, decide and finish the most important tasks and goals na nilatag mo to avoid conflict. Easyhan lang natin ang buhay, iwasang patulan ang lahat ng bagay. ‘Ika nga nila, choose your battles, better kung lowkey ka lang muna while things are heating up, and you will thank yourself at the end of the day. May chance na maging mediator ka rin among your peers.

Gandara ng progress mo sa work this month! Pero parang hanging by a thread ang iyong relationships? Pagtuunan din ng pansin. Sa love week ng Valentine’s, get out of your comfort zone! Meet new people, subukang mag-Bumble, or do something extra for the one you love. Remember, focus of the month ang loved ones mo, so make the best out of every chance that arises dahil ito ang time to reassure the people around you. May chance na manumbalik ang close ties with an estranged family member.

Magiging busy ang end of the month so if you need help, ask for one. Mabilis iinit ang ulo mo over simple things, and your superiors might test you–but this is not the time to assert. This is the universe’s way of teaching you to compromise.

CANCER (JUN 21-JUL 22)
Nasa iyong mga palad kung ilang timba ng luha ang iiiyak mo this month, dear Cancer. Time check: you need to learn to be responsible for your own emotions, and though you’re big on caring for other people, oras na para sarili mo naman ang i-nurse mo. Matutong bitawan ang nakalipas. It’s the month para i-let go lahat ng emotional baggage na meron ka habang malakas pa ang impluwensya ni dear Super Blue Blood Moon. Be honest pagdating sa mga wants and needs mo when it comes to your relationships.

On the other hand, kinareer mo masyado ang career! In fairness, winner ka dito! Up your galing pa lalo habang naka-favor ang universe sa goals mo this month. Help is on the way, just keep the passion alive. When it comes to negotiations, mas mabuting i-delay sa end of the month para mas may clarity sa communication within the parties involved.

Keyword for the month: transparency.

 

LEO (JUL 23-AUG 22)
Naku Leo, mukhang bistado ka. Sikapin maging honest sa mga karepa mo at pataasin ang EQ for the betterment of your career. Watch out lang, because this is not your month to stay quiet–you will need to deal with people na hindi mo usually feel. Stay open-minded at iwasang mag-assume. Maliban dun, mukhang sanay na sanay ka na sa bigat ng workload mo. The ones that used to take you so long to finish will suddenly be short.

Less hectic naman ang month na ito para sa’yo after your busy January, at bilang hindi ka sanay sa hindi intense, it’s best to utilize your free time na ituloy o magsimula ng panibagong passion projects na meron ka, likewise, magiging highly enthusiastic ka about it. Wag sayangin ang motivation, i-todo mo na to girl, go go go!

Mukhang may magaganap na change of heart this heart’s month. Wala na bang spark? 🙁

 

VIRGO (AUG 23-SEP 22)
Virgo, alam nating ayaw mong minamadali ka, ngunit matetest ang iyong impromptu skills this month. Gaya ng sipon, mas madaling “isinga” ang problema, kaysa “singhutin” muli ito. Magro-roller coaster ride din ang stress mo, kaya subukang mag-gym o mag-jogging bilang pang-destress. Marami ring truth bombs na malalaglag, kaya iwasang maging forceful pagdating sa relationships at baka ito ang maging sanhi ng away.

Sa usapang romance mukhang magiging extra romantic ka with your jowa* sa week ng mga puso! Aura to the max ka na, bes! Pero watch out lang, dahil all-month round naman ang mga problemang sanhi lang ng confusion at miscommunication. Be flirty, pero be wary! Pagdating naman sa commitment, mas lalo mong pahahalagahan ang importance ng companionship pagdating sa relationships.

Towards the end of the month, your competitive and serious spirit will show, magiging easy-peasy sa’yo ang pag-convince ng iba.

*Kung may jowa! (oops)

 

LIBRA (SEP 23-OCT 22)
Earth to Libra, kumusta na ang iyong pamilya? Alam mo pa ba ang paborito nilang ulam at damit, musika at quirks? Mag-observe at magreminisce. Sa trabaho, maaaring ma-off balance ang scales mo. Re-evaluation and restoration ang peg mo this month.

Trust ang big word? Starting January 31, tila mas magbibigay tiwala ka sa mga tao lalo na sa iyong ka-close. At dahil diyan, dadami ang iyong kaalaman! Best of both worlds ka ‘day! The more – people and ideas – you know is the way to go! Sa bandang February 13-17, malaki ang chance na mag-give birth ka sa maraming ideas and concepts para masimulan ang iyong creative project/s!

I-fine tune lang ng konti ang iyong daily work routine. Yes, maaring feel mo na kaya mong gawin ang mga bagay mag-isa, BUT REMEMBER, everybody needs help sometimes. Accept the help they’re willing to give.

 

 

SCORPIO (OCT 23-NOV 21)
Scorpio, gamit gamit din ng leaves ‘pag may time! Okay naman ang career mo nowadays, kailangan mo lang magpahinga. May konting kahirapan sa pakikipag-communicate kaya matutong mag-adjust. Buti na lang may power ka to create anything this month kasi mas assertive ka na ukol sa iyong needs and wants. Yay!

Nais ipaalala ni Super Blue Blood Moon ang obligations mo to others. Kailangan mong i-balanse ang iyong personal at professional life. Hindi lang iyan, mistulang naglalaro din ng Agawan Base ang iyong home-related kaganapan versus your need to put yourself first and your independence. Kapit lang.

Hindi ipinagbabawal ang “me time”! Lahat naman ng sobra ay masama. Strive for “tama lang” to tone down tension and conflict. Heal through activities that give you comfort and help you feel grounded.

 

SAGITTARIUS (NOV 22-DEC 21)
Sagutin ang kalabit ng family dahil kailangang i-reconsider ang mga paniniwala! Malay mo, ang mga kasagutan ay matatagpuan pala sa tahanan. Love will start moving again after Valentine’s Day. Pero oras na rin ata para mag muni-muni—saan ka nga ba patungo?

Lumakas ang iyong pananabik na mag 1-UP sa iyong larangan. Pero masyado kang naging focused sa mga materyal na bagay. Engage in activities that will nourish your spiritual health.

You might be tasked na tapusin ang isang bagay to start anew. Mas exciting ba ito? Mas fulfilling? Depende sa view mo pero buti na lang in control ka with your emotions in this seemingly fast-paced month. Chill lang, use this to your advantage! Para mag improve ang iyong competence and even reach a higher status. Pero caution lang, because what you decide might change someone’s life.

 

CAPRICORN (DEC 22-JAN 19)
PAK! Energy! I-play ang “Don’t Stop Me Now” by Queen dahil lumiliyab ang iyong career sector this month pati na rin ang social life! Huwaw! Ikaw ata ang pinagpalang sign ngayong February. At bilang you are you, siguradong walang masasayang!

Hyper awareness ang super power bestowed upon you by the stars this month. Kahit may unexpected break from your plans, time is on your side. Speed bumps at work? Maaayos in time! Assessing your income and expenses? Ehem, yakang yaka! At mukhang gagaling ka pa sa area na ito.

Ang maganda pa dito, hindi lang pala time ang kasama mo. Pati your ever reliable bffs ay attuned to your distress call! Makakatulong sila para ma-figure out mo ang right choice.

 

AQUARIUS (JAN 20-FEB 18)
Very charming communicator ka this month! At mukhang gaganda pa ang career mo. Bonus if you’ll help others to progress (hindi lang ikaw!). But while you give your time to work, ‘wag kalimutan ang family at ang sarili.

Approved ang iyong pag-full throttle sa work! Maraming pinto ang magbubukas basta kayanin mong maging involved sa bawat ganap na mapili mo. Buti na lang marunong kang to live in the now and plan a bit for tomorrow.

Dahil diyan, unti-unti kang nakikilala at nakaka-attract ng mga peeps! Your goals, feelings, and even your skin are all becoming clearer. Dream a little dream of…your best self and act on it! Though around February 15, dahan dahan ka lang dahil medyo draining ang panahon na ito.

 

PISCES (FEB 19-MAR 20)
Dear Pisces, para saan pa ang iyong otherworldly thoughts and skills kung ipagdadamot mo? Sa aspetong ito, sharing is caring! ‘Yang kaka-Aztec skin care regimen mo, may promising na effect around February 18. Ganda magka-routine at disiplina, ano sez?

Relatively kalmado lang ang waters this month with a few wisik-wisik of colors and eccentricities. Pinapayagan ka ng universe na mag-take on a new role, even seize a new opportunity! Pero be sensible naman. Hindi mo man ito nature, try mo pa rin. Baka may madiscover ka.

Magiging pabida ang health and/or work mo this month. Out with the old, in with the new ang mindset. Manatiling active at hands-on sa iyong mga gampanin para iwas conflict sa authority.

 

 

Nalurks ka ba sa pabulong ng mga bituin? Of course not diba, besh! Kabahan na ang mga tala dahil buwan-buwan mo nang mapaghahandaan ang sarili mong kapalaran! Hanggang sa susunod na Hanash, kaibigan!

Illustration by Girlypisces
Horoscope by Madayn & Girlypisces