Nako memsh ito na, Mercury retrograde na naman starting March 22. Ano pa nga ba? He’s always around. SMH. Maraming roundtrip ng away-bati moments with an ex, o ng jowa, o kaya ng workmate. Naku talagaaaa, h’wag makikipagsabong plez! Hinay-hinay sa sasabihin dahil lahat ng ito ay kagagawan lang ng Mercury retrograde. Pa-double check ang contracts! H’wag bibili ng new gadgets at baka ma-RIP agad by next month HUHU.

Jupiter naman will retrograde on March 8, pero hindi naman siya pa-epal tulad ng Mercury, instead, mas focused lang siya sa pamimigay ng gifts sa mundo, parang si Santa lang! Sana lang gising ka ‘pag nagpaulan siya ng swerte.

Combo breaker last month ang Super Blue Blood Moon pero papakabog ba si Marso? Of course not! Two full moons ang magpapakita this month (wow, white lady lang)? And with all of this happening in just a month, here’s your hanashtrological scope para maka-cope sa mga back-to-back na gulo!

Happy Women’s Month, kababaihan! <3

 

ARIES (MAR 21-APR 19)

Hinga, Aries! Start pa lang ng month parang na-ooverload na brain cells mo sa mga dapat i-proseso. Tapos ayan, gusto mo pang mag-travel at mag-start ng mga bagay-bagay. Ano, aligaga tayo sizt?

Pacing lang. Kasi time din ngayon for healing and reflection. Medyo weird i-balance, yes. Lalo na kung malakas kang ma-FOMO. For work, you have a leadership role in the works. So ayon nga sa kasabihan, with great power comes great responsibility, at baka mataas ang maging demand from you. Paghusayan, Aries. Maganda payoff nito. 😀

Paalala lang na may retrogrades tayo, okay? Kaya ‘wag muna kayong pa-witty diyan cuz we don’t wanna walk on fayaaah. Uso rin ang mga “muling ibalik” personified. Maging matatag ka!! Buuuut, if you dare to reheat that *wink wink* mag #RealTalk muna with yourself and then make landi responsibly.

Btw, end of month calls for pagtutuos with partnership status–mapa-friends or mapa-special someone. So ang tunay na tanong ay, magiging official na ba you at si current Boo? Uy. Make kwento na nga!

 

TAURUS (APR 20-MAY 20)

Nabulabog mundo mo simula late last year pa! Baka masyado ka nang nag-iisip at nakakulong sa lungga mo. Hirit nga ni Pink: “don’t let me get me!”

Let’s start with your dedicated kawalwalan na hindi lang pang happy hour! Pang legit friendship goals pa. Kaya loosen up mga kumpadre’t kumare! Gumive-in ka naman sa bakasyon para makapag-discover ng new things, people, and places. Pero, pansinin mo rin kung saan mo nilalaan energy mo at baka everyday hungover ka na sa life. Bigyan ng tapsilog with paracetamol on the side!

Masusubok ulit ang iyong puso at isip dahil baka may magpakita na ex! Oh no. Or even an old wound na akala mong nagamot mo na nang maayos pero hindi pala sya gumaling. . . 🙁 Time for honesty? Wait. Lang. Hindi lahat ng sikreto kayang tanggapin ng pagsasabihan mo. Tanungin din ang sarili, sino nga ba ang dapat magbago? WHOA THERE.

Well, sa end of month, panahon na para maglinis inside and out! Eat better and declutter! The more you focus on your well being, the better you’ll feel. Tsaka, how much do you really want that #GloUp?

 

GEMINI (MAY 21-JUN 20)

Earth to Gemini, are you there? Alam nating cerebral fellow ka mamsh, pero kailangan din lagyan ng puso ang decisions in life lalo na if it concerns family life and, literally, your emotions.

Mukhang batak na batak ang status ng work mo ngayon ah? Group hug, Twins! Hehe get? Pero ‘yang mga mistulang pahirap ay opportunities pala! Maaaring mabigyan ka ng leadership role! Kaya kayod lang, Gemini. Tone down that hinanakit if it’s for your dreamzzz.

At dahil inaayos mo ang dreams mo, idamay mo na rin ang pagbabalik-alindog program! Lessen your intake of fatty foods kahit alam nating ito ang tunay na masarap *hikbi* para ma-prevent ang kung anomang masamang karamdaman. Dahil prevention is key to saving money at bawal daw kasing magkasakit.

Be ready for something memorable in store for you by the end of month! Baka may pa-second Valentine’s Day Special ka. Ayieee #Feelings <3


CANCER (JUN 21-JUL 22)

‘Di makatulog sa gabi sa kaiisip? Kaiisip o kakatrabaho o ANG KATRABAHO? ANO, SAGOT! Pero kapit tayo, Cancer. Use your metaphorical pincers! Dahil mukhang marami ka ngayong minumuni-muni.

Feeling all the feels ka talaga. Take a breather muna. It’s for your own good. Nako, who are we to say to that?! But then again, step back ka muna before you clasp. Dahil last time, sparks flew and some places got burned. Advice namin sa’yo na mag-bullet journaling ka o basta try mong i-organize muli ang life mo. Mangolekta ng colorful sticky notes, pens, at highlighters para makulay ang buhay. Medyo soul-searching ka rin sa panahong ito because, you know, nakaka-soul-draining din ang mga kaganapan in life at gusto mo lang magbeach, magbundok, o basta magpakalayo-layo. Kaya tama na ang kaka-scroll diyan sa feed mo and make it a reality!

Pagtuunan ng pansin ang iyong fitness regime, or lack thereof (oops!!) Medyo magiging health-conscious ka ‘day! Extra rice means extra workout?! Basta, unahin muna ang sariling kasiyahan, even reward yourself in the little things. It’s time to treat yo’ self!

 

LEO (JUL 23-AUG 22)

Uy. Focus mode ang leon this month. Naka-ready to attack ng goals a.k.a. your financial growth and relationships! Marahil nagkaroon ng pagkakataon na… natauhan ka *gasp!* This month, nais ipaalala ng stars ang mga values mo. Ano nga ba ang importante sa’yo in terms of work and relationships? Paano ka n’yan kikinang, Leo, kung hindi mo papansinin ang mga ito?

Sparks! Maaaring maging official na kayo ng S.O. mo! (We’re assuming if you’re single. Ano?! Single na Leo? Charot lang.) Pero sparks ulit! Mukhang seryoso ka na rin sa pagpapataas ng financial I.Q. mo. Magbe-benefit ito sa’yo this year. Hindi lang ‘yan, mas active ka pa ngayon with focusing on your health. Nako, nagising ang leon! Baka maging “Hu u?” kaming lahat sa’yo!

Maaaring may kaganapang mangyari sa buhay bahay. Explore and be with your family rin. Magmuni-muni sa tanong: Saan ka nanggaling at paano mo naabot ang estado mo ngayon?

Bandang end of month, maaring may gustong makipag-reconnect na kababata mo. They could help you out with new opportunities in business or in romance na ‘di mo napansing close to home lang pala. Maging mapagmat’yag!

 

VIRGO (AUG 23-SEP 22)

Hey there, Virgo! Mukhang active ka ngayon ah? Especially sa personal ambitions in life and #CareerGoals. Uyyyy, work-life balance. Take advantage! Ngayon din!

Nakakapagod nga naman ang pinagdaanan mo a few months ago because of changes and the pilitin na nating i-let go ganaps. We getcha. Kaya itutulak ka naming mag-adventure! Sinu-sino or ~sino~ ang nais mong makasama sa next trip mo? Huy, makipag-socialize ka naman. Marami kang matututunan tungkol sa sarili mo AT baka magka-opportunity kang matawag na: “Mahal.” Uuuuy. Sa mga pinagpalang may jowa, pagtuunan siya ng pansin. Baka may nais siya sa’yong linawin. Makinig.

Make an effort din para alamin ang mga issues sa buhay, especially with trust. An ex might make himself known like a sudden pimple on your chin. Pag-isipan itong mabuti dahil mahirap balikan ang ex (kung toxic/may current jowa/not your priority) at gusto natin ng clear skin #LivinTheStressFreeLayf

Sa nalalapit na pagtapos this month, ang homework mo ay ang mag-reflect at ilista ang iyong priorities and values in life. Para kanino ka ba bumabangon, Virgo? Nakakadagdag ba ito sa nae-envision mong #BestYou? Ipaliwanag.

 

LIBRA (SEP 23-OCT 22)

Anyare sa social butterfly, nag-lowkey yata? #Relate dahil paminsan-minsan kailangan mo rin ng katahimikan. Na-enjoy mo ba ang quiet time while you’re busy? Tama yan dahil kaliwa’t kanan ang pasabog ni mumshiverse this month!  Sa sobrang lowkey mo tuloy, feeling mo eh may itinatago sa’yong something (uuuy, may something!) pero worry no more dahil any secret will naturally reveal itself. Malay mo, good news pala o kaya surprise! After your hibernation, oras na para magbalik-alindog si Libra sa dance floor! Pak!

Say yes kahit na sobrang indecisive mo dahil it’s a good time for career this month, mas mamahalin mo siya kesa sa ex mo! Kalmanatics tayo, Libra, h’wag magpauna sa takot! Maraming tasks na obligado kang gawin this month and you will feel a little bit overwhelmed, huhuhu hugs. Lalo na sa March 13, sagap connections tayo dahil pabor sa career mo ang mundo sa araw na ito. Sa March 17 naman masusubok ang creativity mo. Gamitin ang opportunity na ito para ma-express ang sarili mong style.  May chance ka rin to travel pero baka para sa raket! Sad!

Tagline of the month ay John Lloyd’s “Ingat!” Ingat sa accidents at home! Ingat sa health! Iwas sa matamis! Baka magkandarapa sa’yo ang cavity. At the end of the month is a sweet surprise waiting for you. Uuy. :>

 

SCORPIO (OCT 23-NOV 21)

Bessiemae! Roller coaster of conflicts ang buwan na ito but worry not dahil nasa iyong lingkod pa rin si mareng Jupiter. Kaya keep it up sa iyong love life at career, because nothing can stop you now! Pero medj may bulong-bulungan sa universe ah, magiging favorite mo raw ‘tong buwan na ‘to. Hmm?

Naging dramatic ang past few months, so ngayon palilibutan ka ng happy peepz na makakavibes mo, and one of them may stick with you for a long time. Wish coming true ba? Anumang emotional bonds ang ma-deepen o ma-create mo this month will last for a long time o  forever pa nga! Shocks, pahingi naman ng love life, Scorpio! Dahil on March 17 your house of true love will be lit up (IT’S LIT, BES), so if you’re single, date to the max na beeeees! Kung pakiramdam mo nahanap mo na ang true love mo, mas lalo pa kayong tatatag dahil kay Jupiter. If you’re asking yourself kung siya na ba, siya na ba talaga? I think alam mo na ang sagot by now. *wink wink*

Pasimula pa lang ng buwan I’m sure lumakwatsa ka na. Kung hindi pa besh, hop on! Magiging fulfilling sa’yo ng travel this month. Kung hindi naman, baka kapatid mo ang nasa spotlight ngayon, reaching his or her next milestone!

Magiging smooth ang next few weeks mo, except sa end of the month, medj magkakasabay-sabay ang conflicts, so brace yourself, Scorpio. Ikaw pa rin naman ang celestial favorite. Sagot ka ni universe.

 

SAGITTARIUS (NOV 22-DEC 21)

Get ready, Sagittarius, magiging productive ang month na itey! Ang daming decisions made previously that will heavily affect the status of your career now, pero dontchaworry dahil iz for u!!! Dadami ang recognitions mo, paparty ka naman d’yan! Mas maraming projects ang maipapasa that will take your career to the next level.

At hindi lang career ang focus mo this month. Balita ko may plans ka to work on your home properties, pero nakalimutan over time dahil sa sobrang busy? Tuloy mo na, besh! Hep, no excuses!!!  Shocks, at ang dami mo ring plans for a getaway or to buy new things dahil ‘deserve mo naman’? Eh ang bulsa, kaya pa ba? Naku-naku-nakuuuuu, hinay lang sa gastos bessiecakes! Smart buying tayo this month–only buy what you need.

At heto na, your secret favorite. Yes bes, medyo swerte ang lovelife mo this month! (Oo medyo lang! Give chance to others ‘no!) So kung gagastos ka man, o sige na, bumili ka na ng bagong damit para pang-date bilang “basic need” naman ang damit. ‘Tong fashionistang ‘to. MALAKAS ANG FEELING NI UNIVERSE NA MAY MAMIMEET KANG BAGO THIS MONTH SO KUNG SINGLE KA ‘LAM MO NA! Kung attached ka naman now, intense ang to the next level niyo. Hoy Sagittarius, please h’wag namang maging PBB Teens sa daan oki!

Basta, Sagittarius, keep your grip tight dahil hindi gradual ang paglala ng mga kaganapan this month. Maraming lucks to shower you this month, oo, pero magugulat ka na lang binatukan ka na ng universe to stay on the ground. I know you deserve all the good things in life, Sagittarius, but may you stay humble. Marami pang susunod.

 

CAPRICORN (DEC 22-JAN 19)

Capricorn o Capricontrol? Charot lang! Babalik na gradually in your control ang iyong buhay, dear Capricorn. Alam kong naging slap to the face ang previous ganaps in life pero matatag ka, so congrats! You’re back from the grave, parang si Lily Cruz! Black is out, gold is in, and just like gold, you are indestructible!!! Sesyeeel.

At the beginning of the month, puro ka quick trips here and there, kahilo ‘no? Pretty sure half of them are business trips pero syempre ide-deny mo. ‘Di kaya ‘ko workaholic! Nag-enjoy din naman ako! Awtsu. Go lang, ‘cause all of them will be beneficial to your career. Yay! In terms of love life, I think a certain person already crossed your mind, so ‘lam mo na bes, dumamoves ka na dahil mukhang anything that has to do with that person will be enjoying at this point in your life. Hihi. H’wag puro work besh, trabahuhin mo rin ang iyong buhay pag-ibigz.

Maliban sa work, concentrate din on your creative craft! Mukhang may masosolidify sya this month eh, baka may bumili ng artwork mo, o marecognize ka ng isang influential identity. This is also a great month to see the movies, attend art events para naman hindi puro work lang ang nasa kalendaryo mo. Magpa-spa at magpa-massage, chukchakchenes cheverloo. Ya get the drill. Self-love naman minsan, bes!

In terms of family life, chat mo naman si sis at bro, may gusto ata silang i-chika sa’yo, kaya lang masyado ka raw busy. Huhuhu.

 

AQUARIUS (JAN 20-FEB 18)

Money’s on top of mind, besh. Hala, hindi ka na makakapagtago sa mga pinagkakautangan mo! CHAR! Possible na mareceive mo na ang backpay mo na tatlong taon mo nang hinintay! Jusq po ng itinagal! At the same time, secure your taxes and financial reports dahil critical ang money concerns mo this month. Magsi-sprinkle naman ng extra moneh si universe so handa mo lang ang palad mo. HEHEHE. Abangan mo na ang March 13!

Mukhang mamimeet mo na si the one! NG CAREER! (‘Sus ‘kala neto lovelife agad eh.) Hihi, kung may partner ka sa trabaho or school, for sure magiging tropa na kayo kahit na minsa’y muntik nang magkasapakan. No romance involved, pero pwede rin naman, ‘di ba? *wink wink* Likewise, hahatak ka ng awards dahil sa career! U deserve it besh!!! Magiging extra creative ka rin this month, so that’s a plus!

BESH BESH BESH, someone might just spill a secret na dapat quiet ka lang! Hmm, fishy ba? Kung anuman ‘yang dirty little secret, good news ‘yan! I’m sure excited kang sabihin sa lahat pero for now, sarilihin mo muna. Sabi nga ni big brother, “Sa takdang panahon.” Good luck!

 

PISCES (FEB 19-MAR 20)

Ikaw ang apple of the eye ng romance this month, Pisces. (Yahooo!) Alam kong recently you’ve been thinking about love more often than necessary, and the universe understands. Kagagawan niya, eh. OMG, magiging masaya ang dates mo this month, pero hopefully with the same person!!! Dahil time na ata for you to commit, bes!!! And I’m sure ready na rin s’ya. 😉

Important sa’yo ang partnerships especially sa business, and it’s the month to finally have a new one dahil for sure swak ang personalities niyo togetha. Magiging masaya ang group projects more than solo gaming this month bes dahil may paparty ng creativity si mayora!!! Alam kong prefer mong magtrabaho individually, pero try mo lang! Baka ito na yung refresher na hinahanap mo from all your burnout seasons. Tutulungan ka ng partner mo, bessie qouh.

Sa March 13, kung may specific make-or-break plans ka in mind, this is the time to decide or to do it, dahil memsh, mabait si universe ng araw na ito, i-career na ‘to! In terms of big plans and dreams, March is the perfect time para i-jumpstart ang paglatag! Planting season mo besh, matutuwa sa’yo si kumareng Taurus, and you will sow the good crops in time. For now, it’s all love, love, love!

Illustration by YOITSJUSTART
Horoscope by Madayn & Girlypisces