Woooooosh! Maging abangers na, mga kababayan, sa pag-fly-fly ni mummy Uranus sa Taurus! Anumang mangyari in six months ay patikim pa lang ni universe sa isang aspect ng iyong lifez. Appetizer ba! Manunumbalik si Uranus kay Aries the ex for a while, on December, hanggang March 2019 para lang sa closure, and will move on to Taurus for seven years!!!! Uranus is the planet of surprises, at ang seven-year stay na ito with Taurus ay makamandag, magulo, at intense, bes! Dahil ‘di comfortable si kumpadreng Taurus sa, alam mo na, change. Allergic siya ‘teh eh.

Ayun lang. XOXOXOXOOXoxo, Madayn and Girlypisces

 

ARIES (MAR 21-APR 19)

 

Retired na ang korona mo, pero mukhang mabibiyayaan ka ngayong buwan ng pension para sa iyong money and career sector! Yahoo! Time to be practical and set S.M.A.R.T. goals please! Siyempre, sa rambulan ba namang naganap last month, kaguluhan pa ba ang gusto mong hilingin kay genie? 

May plot twist nga lang in the middle of the month. Dahil bibisita si Uranus! Dala niya ay samu’t saring pagbabago at rebolusyon. Sa iyong sign, apektado ang career and financial sectors mo. ‘Wag kang mabahala! Think of it as the start of something new! And, ano, your growth towards flexibility. Since lifestyle mo ang affected, baka magkaroon ka ng inaasam mong change but in a career with a bit of unconventionality. Like investments at habits na ikakabuti mo as a person.

Sa pagtatapos ng buwan, mararamdaman mong mabubuhay muli (kung low energy?) ang iyong social life! Maaaring naging seryoso masyado ang buwan na ito with all the practicality, so deserve mong magwalwal a bit (A BIT?!!). Enjoy the banter, why not? Pwede naman. Malay mo dito pa mamulat mata mo with all the career possibilities out there waiting to be filled. Because there’ll be something about creativity + community that will be in your favor.

DETAILS ABOUT LOVE NAMAN. Ito na. By the end of month rin, inuurge ka ng mga planetang patawarin. . .ang. . .iyong. . .(hinga muna ng malalim, siguraduhing walang iniinom o kinakain) EX and other people who hurt you. Not really patawarin sila, but patawarin u. U know the drill. Easier said than done pero tama na ang ugly cries and galit for this kontrabida to your teleserye. Dahil NEVER SILA DAPAT MANAIG! ALAM MO ‘YAN!

 

TAURUS (APR 20-MAY 20) 

Uyyyy! Make way sa hari ng daan! Sa boss baby ngayong buwan! Kumusta ka, Toro? Marami-rami ang goodness this month, ah!

Mukhang magkakaroon ka ng spiritual awakening at mafi-feel mong you need to push that upgrade button! Baka mapa Taylor Swift ka at masabing, “old ___, can’t come to the phone right now” o, ikaw na magtuloy dahil trulalilaloo ang pagbabago mo! Speaking of pagbabago, may kinalaman ito sa Uranus na maninirahan sa iyong sign for like, eight years, starting sa kalagitnaan ng May. Baka iilan sa inyo ay takot sa kung anomang pagbabagong ito. Understandable because you are known as the true “Netflix and chill” type. And si aligagang Uranus ay mistulang. . .opposite mo, terkong Taurus. You’ll need to strike a good balance. Shoutout sa mga shady mong choices now ha. Itigil ‘yan. Baka maparami ‘pag bumisita na si Uranus dahil sa rebellious influence nito sa iyong subconscious zone.

At dahil there’s no such thing as forever, ipapasa na at paghahatian ang korona with the Gemini twins by May 20. This time, mararamdaman mong bumagal ang mga kaganapan just the way you like it.

Kumusta na ang mga ka-herd mo dahil baka dito mag mula ang love that is all yours! Ayaw mo ng ganitong dynamic? Pwes, pwede rin namang magsimula kayo ng new ventures with your S.O. or BFF! What’s better than working with your trusted and loyal friends? Of course, don’t rush this. ‘Di porket ibinuhos mo na ang history mo with someone, ibig sabihin it earns them the right to be branded as trustworthy. Ma-share ka pa naman din.

By the end of month, secrets will be revealed! Maraming magiging “official”! Hey, ingat lang sa paghandle ng moolah. Maaaring dumami ang pera, or dumami ang bayarin! Personally and universally, sinong may gusto ng latter?

 

GEMINI (MAY21-JUN 20)

Ola, Gemini! Handa ka na ba sa arrrriba ni Uranus sa iyong subconscious hidden sector? Sa paglalakbay ni Uranus, dala nya ang matinding pagbabago. Para sa sign mo, mukhang magiging matindi ang iyong pag-soul searching. Hahamunin ka ni Uranus upang palakasin pa ang iyong creativity, spirituality and intuition.

Gumising ka, Kambal! Marahil nararamdaman mo na ang adverse effects ngayong buwan—either nagiging antukin ka na at ‘di mo na matapos ang gawain mo (lagot) o sa sobrang busy mo, wala ka nang enerhiya kinabukasan kaya ka late (ay). Kaya gamitin ang leaves! Magbakasyon! Make time for new experiences para hindi ka tuluyang makatulog sa limbo. Sa muling paghahanap ng anything new, maaaring mamulat ang mata mo at masabing: uy, may bago akong talent! This “you” time can also help you maging malumanay in dealing with forgiveness.

Ayayayayayayay!!! Pagpatak ng Mayo 20, sa iyo na ang spotlight! Ihanda ang ispageti, lumpia, at hotdog na may marshmallow dahil birthday season mo na! Very good ang enerhiyang ito para sa iyong career na mistulang mag-eexpand tungo sa ibang kalawakan. So if you’re wishing for that big break—local or international—affirm lang ng affirm! Do creative visualizations nang masend sa Universe ang iyong entries para mas malaki ang tsansang manalo ng premyo!

By the end of month, usapang love and relationships naman tayo. Ano kumusta na? Magpaparamdam ang mga hindi mo pinapansing problema na unti-unting nagiging sugat na pala. Were there. . .things left unsaid? Feelings set aside? Ghosting? Skinny Love?? Nako ka. Something might turn official kung lalakasan mo na ang loob mong mag-commit. ‘Wag kang kabahan, back up mo ang kabilugan ng buwan.

 

CANCER (JUN 21-JUL 22)

Bongga ka ‘day! Pinagpala ka ngayong buwan sa larangan ng teamwork at social mingling. Para kang rumampa sa MET, dahil kaliwa’t kanan, ang mga followerz ay nariyan! What’s this? Parang favorite ka ng Universe this month, kaya kung ako sa’yo, sungkitin mo na ‘yang opportunity na ‘yan at ‘wag nang magpaliguy-ligoy pa! Bawal pa-tweetums!

Ito’y may kinalaman sa nalalapit na pagbisita ni Uranus sa iyong community-focused zone. May nais ka bang simulan at maiparating? Bagong business venture? Goal na magkaroon ng high traffic online post/s? Kilala si Uranus sa pagiging rebelde at pasimuno sa mga pagbabagong medyo kakaiba. Kaya, maaaring maramdaman mong magkaka-interes ka bigla sa pulitika o paggamit ng makabagong lifestyle na never never mong sinang-ayunan before!

Other than the many #blessedt things na pwede mong makuha, it also applies sa problema mong paulit-ulit mong ginagawa pero nagtataka kang bakit walang pagbabago? Sapuuuuuul. Same old, brand new you? Never gonna change, never gonna keep your promises? Sa usapang puso, it seems na magkakaroon ng pagrere-establish ng mga what once was yours—strong and hearty connections with significant people. Pull yourself together, my dear Cancer. Bibigyan ka ng stability powers ng buwan para magawan ng paraan. 😉

Listen to your instincts, frenny. Pagbigyan ang mga nakagagaan ng pakiramdam, iwanan ang mga pabigat lamang. Pero ‘wag ka naman manira ng bridges, baka kakailanganin mo sila sa future. 

#Werpa paalala for the month: analyze, listen, and understand. ‘Wag sanang lumaki ang ulo dahil sa stardom!

 

LEO (JUL 23-AUG 22)

Ready ka na ba sa #makeover goals mo ngayong buwan? Op! Hindi sa mukha, katawan, o sa fashion sense! Mabubulabog ang iyong career lyf!

Pagsubok ito sa iyong flexibility dahil makikigulo si unconventional Uranus sa iyong professional sector. Kapag feeling mo hindi na gumagana ang pag-a-aura mo sa trabaho, tandaan: 1) not all change is bad. 2) The only thing that is constant is change itself. At ano, 3) be the change you want to see in the world. GANEEERRNNN #KOWTABLEKOWTZ 

Maaaring ipakita sa’yo ang mga ways kung saan mas makakagawa ka ng pagbabago for others. Baka nga magpasimuno ka pa ng bagong systema! Duh! #Leo! May chance maging pabago-bago ang work mo. Travel dito, travel doon. But this might be a refreshing phase for you. Sa isang fixed sign like you, uncomfortable ang tumaliwas sa napagdesisyunan mo na. Kailangan mong mahanap ang tamang balance sa lumang goals at sa alternatives mo. Subukan mo lang. The stars and your relationships are in your favor.

Speaking of relationships, maaaring may impact ang erpat figures and mala-erpat authorities sa’yo. There might be frustrations in feeling out of control. Though, nearing the end of month, mas magiging open naman ang puso mo sa iyong pamilya at love. <3

Para sa may love life, attractive sa’yo ngayon ang pag get-to-know your bae ng one on one, couple time. Sa mga walang love life, baka gusto mong mag solo trip para magrelax at magreflect sa series ng buhay mo at kung nasaang episode ka na ba ngayon.

Medyo bisi-bisihan pa rin ang mga kaganapan around you pero hindi ka magpapatalo at mas lalo ka pang magiging expressive about your feelings! ‘Yun nga lang, baka masyado kang maging pranka at mali ang mabasa nila. Oops! Drama!?

 

VIRGO (AUG 23-SEP 22)

Is this. . .the new me? From your caterpillar to cocoon phase na very planado, parang malapit ka nang mapasigaw ng I’m a beautiful butterfly! So ano? Akyat ka na ng bundok at langhapin ang fresh air. Are you ready for the (upcoming) new you?

Oh yes, mapapasabak ka sa powers ni Uranus na mag-travel! Si Uranus ay kilalang tagapagpakilala ng malaking pagbabagong pangmatagalan at maaapektuhan ang paglalakabay, pag start ng business at pagbabalik eskwela mo! Uyy fave project ang pag work individually para masunod ang gusto hehe.

At since beaming ka with a lot of ganaps, inuurge ka rin ngayong May na maging katulad ni Beyoncé, ang ina ng mga Virgo, para sa iyong next hanash in life. Raise the bar, mah fren! Alam naman naming kakayanin mo! BE (like, medj, pwede na) YONCÉ! Sa lakbaying ito, siguradong malaki ang potential mong mag-mature. Obvs, marami kang kailangang i-proseso with that brain of yours! Kaya take a breather every now and then. Don’t hurt yo’self. All is well.

Bago matapos ang buwan, bubuksan naman ang bayong ng communication and partnerships! Maaring may game changer or wild card kang mapili at biglang mabago ang pananaw mo on how you see and run your life. Woah. The feeling with your kausap might be magical. Be open.

Sa effect ng full moon on the 29th, maaaring magkaroon ng kaganapan sa bahay or your connection with your mama, tita, lola, basta female kamag-anak. Kapag masyadong matindi na ang feelings like amoy kulob, open your heart and air them out. Hugs!

 

LIBRA (SEP 23-OCT 22)

Embracing the silence while it lasts, Libra? The month started with a swirl, sinabak ka sa digmaan ng April at nadala ito hanggang May, so sa ngayon gulong-gulo ka sa iyong lyfz. . .and that’s okay. Your month’s highlight ay isang malaking C O N T E M P L A T I O N ! Ganown! Unpretty sure–UNPRETTY?!?!–I’m pretty sure isang library ng decision making ang kailangan mong pagdaanan. Take your time lang besh, no rash decisions plez!!! With Madam Uranus in Taurus, naging napakahirap sa’yong mag-adapt sa change, suddenly! Gandarapark na sana ih, oks na sana ang lyf, bakit kailangan pang may mag-iba? *cue Basang-basa Sa Ulan by Aegis, aaaaand cut! good take!* But always remember, you are the sign of justice, madam besh! Sisiw lang sa’yo ang pagbalance sa situations like this. Minsan talaga naka-disguise as weakness ang. . .surprise(!)–strengths natin. Kaya keribumbumbels mo diz.

In the next few days, may high chance of rain–este–na magdeepen pa ang relationship mo with someone, sinabawan lang ng loop holes and plot twists to serve this six months of medyo wonderful experience. Parang favorite restaurant mo lang, serving you some real goodness with authenticity on the side. Magiging revolutionary ang relationship na ito sa’yo, so keep an eye, dear Libra.

Daming pasabog here and there! By May 20 malalanghap mo na ulit ang balance na hinahanap-hanap mo. From then on, besh, travel galore muna! Mag-around the Philippines (or around the baryo, kebs naman)! Take a new class, learn a new sport! Mag-volunteer, mag-donate, cut your hair, pak! Anything that’s new will benefit you as the month wraps up, beshiemae!

 

SCORPIO (OCT 23-NOV 21)

How was half of this crazy month, Scorpio? Tinatambak ka ng month na ito ng relationship changes, both pak and chakabols. Good news: mas magiging communicative ka when it comes to what works for you in relationships. Bad news: Say babush sa mga hindi na nagwowork! Besh, bye!~ Kaya don’t be surprised mumsh kung suddenly nag-iba ang ihip ng hangin in the recent days. Aariba ‘to for years, so embrace the change, mummy! In terms of dating, resign muna tayo sa Tinder at Bumble, mas pabor ngayon si universe sa chance encounters! Mag-stroll sa bar, makitabi sa coffee shop, chumika with workmates! Maki-blind date! ‘Wag ma-third wheel!

Sulitin mo na ang pagiging out in the sun mo dahil on May 20 onwards, you’ll be hiding under your shell. Yaaaas. Kapagod ang noise, ‘no? Outgoing ka man, Scorpio, but deep inside you’re always a water sign. You desire to submerge yourself in the water to drown the noise that is up there. Kaya’t gamitin ang time na ito upang sumilent party, bring your focus back sa nakakalimutang priorities, and recharge! Magmunimuni. Pahinga muna sa outside world, besshiequoh, dahil may bulabugang mangyayari sa end of the month.

Aaaaay, teh, after your hiding, aariba naman ang senses mo dahil sa kagilagilalas na attraction na mararamdaman mo towards someone who. . .is. . .exactly your opposite?! Pak, opposites attract! Possible din namang work-related ang intense attraction na ito. Nangangamoy career change, dear Scorpio? O isang raket na malupit? Whatever it is, mutual ang benefitz, bez, so go!

 

SAGITTARIUS (NOV 22-DEC 21)

Change is coming bez ermingard!!!!!!!! Kung naghahanap ka ng sign para ituloy ang iyong ~*[email protected] 4nD f!tn3sZ r3gîmÉ*~, THIS IS YOUR BIG BIG BIG BIG BIG BIG SIGN!!!!!!!!!!! Lalo na’t umupo na sa trono ng Taurus si Uranus this month, kakalampagin ang health life mo nang bonggacious! Health is wealth, kumars, kaya pls sundan si doc at ang kanyang mga resetabolz. Sulitin ang gym membership, mag-jenrollz sa bagong sports, kumain nang tama, drink 8 glasses of WATER (hindi alak) a day. . .alam mo na ‘yan, ‘nakshie!

This is your month to declutter! Mag-imis-imis, besshie, ng gamit, ng utak, ng buhay, ng friends, ng sarili, ganown! Isipin mo ‘yung month ng life mo na ito parang kwarto mong madumi. . .kailangan ng general cleaning! Kaya go! Walis here, walis there! Isa-dustpan mo na lahat ng kalat ng buhay mouh! Kung motivation ang kulang, say no more, bez! Uranus in Taurus gotchu. Oooooooh, ano ‘tong naririnig ko? Nagsusumigaw ang ‘yong mind ng ‘Don’t tell me what to do!’ Dear Sag, ‘lam ko namang independent ka, hate being told what to do, but all of this will come naturally. . .anak. Hehe! Don’t worry, maeenjoy mo ‘to at the end of it all. Tutulungan ka nitong maging productive and more creative. More space for creativity and less for worry. 😉 Pak!

For the coming weeks, magiging sobrang tutok ka sa sandamakmak na projects and raketz, besikelz, so may possibility na mapabayaan na naman ang sarili. Watch out lang, nakshie, ha. Ulitin ko lang, health is wealth. Other than that, mukhang magsshift ang purpose of work mo from ‘saks lang, trabaho lang’ to ‘muuuum, i’m helping other people with my work i cri’. Needless to say, you’re going to be more passionate with work than you’ve been in the past months. AYM SO PROUD OF YAH.  

Hindi lang sa physical healing focused ang month na ito, sa emotional healing din, bez. It’s time to forgive, nakshie. Kung anumang rough patch ang nabuo with a close relative, especially your nanay, oras na to take all the dismays and disappointments out the window. Nagkakamali rin sila, mummy, like everybody does. #LoveWins pa rin. 🙂

 

CAPRICORN (DEC 22-JAN 19)

New month, new u, bez??? This mid-month opens yet another kabanata of your life, mudrakz! Wit ito sa physical change lang, mars, dahil havey na havey ang magiging transformation mo in and out starting now and in the months–and years(!!!)–to come! Pak! Radical! Dazzling! Gorge! Para kang sasabak sa runway sa transformation na ituuu.

With Taurus in Uranus, mumshie, magsswitch na ang bet mong jowain to one-of-a-kind, unconventional na personalities. OOORR!!!! Nangangamoy rise from the grave! Muling ibalik na ba ituuuu? With a past long-term ex????? Horyshemz! But with Taurus in Uranus, mumsh, may bad news din: the universe is going to serve you bouts of pabagyo and paulan here and there. The good news is: you’ve been through worse. Pak. ‘Ika nga ng ating astrologer friends, never kang isasabak ng universe nang hindi ka niya nireready, binibihisan at minamakeupan for the fight! 🙂

Mix of good and bad ang month na ito and knowing you’re our most reserved fellow, mumshie, this is the time to open yourself up and ask for help from the people you trust. Isang Darna ka lang! Andyan naman parati ang support, mumsh, especially now. Nakasarado lang ang pinto. 😀 At sa pagbukas mo ng pinto ay nakaabang ang pasabog ng possibilities! Highlighted ang team work and group effort on your side of the chart this month kaya mumsh, raket lang nang raket! Personal albularyo ang friends mo this month, they will help u heal. Awww, bibi. *hugs*

Ops, nakalimutan ko! Trend of the month: letting go.

 

AQUARIUS (JAN 20-FEB 18)

Ohana, Aquarius!!! Home and family life ang nagiging focus mo recently, hane? Parang gusto mo na lang umuwi agad, magpahinga, enjoy the sunset sa sariling rooftop, humilata…at bakit parang may holes na ‘yung bubong ng hauz niyo. Teka nga. The detached Aquarius is finally learning the art of…attachment?!?! Is this the real life?!?!?!?! O I beg to disagree your honor, ka? It’s oki, dear Aquarius, we choose who we consider as our family. There’s also a high chance na may lipat-bahay gaming na mangyari. Is it the time to go? You’ll cross the bridge when you get there, mumsh!

Lately nasa limbo of wonder ka in terms of your perception to what feels like home for you. Pak! Positive ‘yan mum, ibig sabihin you’re growing up. Yay! ASIDE FROM THAT! Sakal, Sakali, Saklolo na ata ang dating sa’yo ng recent events, making you all the more rebelde than you currently are. Nakushhh. Try conforming for once, dear Aquarius. Mukhang in need lang ng a little bit of understanding ng isang family member. Bilang water-bearer, sometimes you carry the answers, eh. OOOHHH DIVUUUH BONGGA. But focusing on your family doesn’t mean deprioritizing yourself! You can have all the fun you want this month, mumshie ko! Mag-eenjoy ka sa lahat ng getaways at parties na dadaluhan mo! Living young and wild and free ang peg!

Lezz go to your career! Pak na pak ang naging start ng year mo sa dami ng career growth na nangyari, and this month marami pang darating! Pak! Parang ukay-ukay lang, may new arrivals! Warning lang, dear Aquarius, wiz magandang maglaunch ng plan on July and August dahil baka magulo lang ang iyong plaaanz at gawin itong chakabolz.

As the month ends, bakasyon ka naman, bez! Ihinga mo lahat ng ipinagod mo this month. U deserve it! *u*

 

PISCES (FEB 19-MAR 20)

Hallloooooo, Pisces! Say good bye to money probboz dahil sa paglipat ni Uranus sa Taurus! Yay!!! Nahassle ka financially ng Uranus for years, hane! Biglaang gastos, biglaang utang, biglang ang laki ng tax, jusqpo! Dahil babush na kay Aries si Uranus, makakaluwag-luwag ka na in terms of pera. Bez. Finally diba. Huhuhuhu. Starting this month, mas makakafocus ka na sa better things in life. Wiz ka na magpapabalik-balik sa money matters. Yaaay! Happy 4 u!!!

At dahil friends si Taurus with Pisces, mas favorable sa’yo ang Uranus in Taurus! Maraming possibility to travel this year and the years to come! And keep the boat rowing, bessie! The more you travel starting now, the more na makakabenefit sa’yo ito in the future! Mumssh yung mga makakamingle mo in your trips will teach you many many (why you so many many) things in life. Magtutuloy-tuloy ang creative growth mo because of them!!! No shooketh here, dear Pisces, bilang you are a naturally talented and creative person.

Also, mumsh! May chance na ma-invite ka for a talk, or speech, covering your strongest career points–pak?! Anything that has to do with communication will benefit you greatly. So chika lang nang chika mumsh. Sagap lang nang sagap ng chizmax. CHOS.

It’s also the time to think about whether to continue your studies, besh! If you’re looking for an answer, the answer is yes po, madam! Try mo rin mag-apply for scholarship, bez. Malaking chance na matanggap ang application mo. 😉 Yes din to love, love, love dahil blooming ang buhay pag-ibig mo hanggang June 13! Pak!

 

 

Horoscope by Madayn & Girlypisces
Art  by Girlypisces