MGA MAMSHIE MARIEEEE!! April na!! Second quarter na agad ng taon! Bat ang bilis?! Kailan lang nagrereklamo tayo sa bagal ng usad ng January at February. Ang totoo, ngayon pa lang magstart ang taon. Charot!

Medyo rambulan pa rin this month kasi we’re still in Mercury Retrograde hanggang April 15. Ang ganap ngayon ay struggles with relationships and your inner self. Mala “Hu u ka ba” to each other tayo ngayon o “Bakit nga ba ako nandito” na mga katanungan.

By April 19, ipapasa na ang korona kay Taurus! Inuurge tayong magkaroon ng plan of action and practicality. Feeling namin, maraming may capability na mag-transform this month. ‘Yun nga lang, it could turn either way–turning point or breaking point. Here’s to hoping for better changes. #StayStrength mga kapatid!!

ARIES (MAR 21-APR 19)

RAMdam na ramdam pa rin ang Aries season! Parang nalagyan talaga ng spice after Pisces season. Kaso in retro pa rin si Mercury. Ayun lang. Maraming kaganapan ngayon sa trabaho o eskwela. Kung akala mong mabilis ang oras, marami ka lang na ginagawa at inabot ka na ng kinabukasan. #TeamNoSleep ?

Set boundaries and ~try~ to chillll. Dama mo pa rin ang being misunderstood and feeling impatient just like your teenage years. Charot angst pala.

Hinay lang, Aries. Nakikita na namin ang usok na lumalabas sa iyong ilong. Retrogrades are for reflecting. Mas marami kang magagawa kaysa pag charge mo diyan sa kinaiinisan mo. Hoy ‘wag mo nang ituloy! Saan ba nanggagaling ang gigil mo? Coz it might be something you need to confront within yourself. Uy.

But rejoice! Magtatapos ang nakakalokang retrograde by April 15.  Fresh like the Fresh Prince, para kang ipinanganak muli! Pwede nang manumbalik ang assertiveness mo to get on your tasks and set goals!

Kaso parang may kumukulong something around April 18. Seems like maaaring magkaroon ng drastic change sa iyong buhay. Baka makaramdam kang may rebolusyong nagaganap sa iyong (tiyan joke) utak at kailangang pumili sa mga options, options, options! Try thinking outside of the box. Masyado ka nang focused diyan at ‘di mo na nakikita ang bigger picture.

So last month ba nagkatotoo at naging.. KAYO NA? Hihi. Anyway, sa full moon by the end of month may bring some hotnessss para sa love life! Ang kaso, it can go either way: steamy luv 😉 o mahapding paltos :(.

 

TAURUS (APR 20-MAY 20) 


Pak na pak kang mag-backpacker sa buwan na ito! Nangangati nang mag-travel ang mga paa, dear Taurus? Gorabelz! Layag lang nang layag! Kaya lang habang nag-eenjoy ka sa beach with friends ay mukhang mapapahamak-workcation ka. 🙁 Stay strong!!!

Pero kung napapa-911 ka na sa dami ng kahanashan mo sa buhay, this is the time to seek for help, and help will be granted. OHAAAA BOOOM GENIE PALA! Lalo na dahil sa mid-April, na’kow, mag-double check ka sa papers and requirements mo sizums, haharbat ng conflicts ang araw na iteeez, but then, sabi nga nila: this, too, shall past! I mean, pass! Partnering up with somebody will save you a whole lot of energy and time. Try mo iconsider. 😉

Panay pa naman ang bulong sa’yo ng intuition mo this month. Listen up, listen up! Lalo na in terms of love, ‘yang spark-spark na ‘yan. At sa isang boss na mukhang recently ay impressed na impressed sa’yo…hmmmm, nangangamoy opportunities!!! Kahit sa health! Ingat po tayo sa mabibigat na bagay at habulin ka ngayon ng disgrasya. (Like always?! Char!) All in all, this month is a balance of work, play, and love. So go out and make landi while making money and making dilig your garden, mumshie! At the month’s end, kung may tanong sa likod ng isip, ang sagot ng universe ay isang matamis at malaking oo!

Kung may jowa o wala, h’wag kalimutang mag-romantic getaway at the end of the month. Pambawi lang mumsh, sa lahat ng pagod mo this month. 😉 And in terms of bahay–easyhan lang po natin, ma’m, ser, sa pagcheck ng condo–tutulungan ka na ata ni mumshieverse this month nang makapag-lipat-bahay gang ka na!

 

GEMINI (MAY21-JUN 20)

“(Name), nasaan ka na namang bata ka?!” – Marahil ito ang naririnig mo noon (or ngayon). Kasi kahit ngayon, pinagpala kang magsurvive in the midst of chaos and contrasts of your wants and needs. Daming gusto!

Ang kaso, be aware if you’re already sending mixed signals to your peers lalo na its still Mercury Retrograde. First half of the month, mag-ingat, mag-double check, at iwasang magsprak kung saan- online or off. Ang kaguluhang ito ay matatapos by April 15.

Maglalaro ng tug-of-war ang iyong social life at alone time. Eh pareho mong gusto. We suggest you party and shake badeh badeh dansa hanggang makarating ka sa lungga mo. Magkakaroon ng extra need for your communication skills for new collabs and opportunities na baka ibigay sa’yo. Pero pag-isipan muna bago pumayag sa raket. Kung anong pipiliin mo ngayon might affect your focus for most of this year.

Around the end of month, maaaring mamulat mata mo sa iyong darkside na biglang nagpakita, o ang kadilimang bumabalot sa ibang tao. Power struggles at emotional ganaps, gustuhin man nating maging Superman, our bodies can only take so much. Speaking of bodies, ayon nga sa kasabihan: “If you feel good, you look good” kaya ilabas ang frustration through exercise! Kumusta ang fitness resolutions mo, aber? Make time for it na!

 

 

CANCER (JUN 21-JUL 22)

SHHHHHHHHHHHH!  Mag-alay po tayo ng limang segundong katahimikan para sa ating resident overthinking Cancer. Sshhhh, quiet your mind, alam ‘kong na-quota ka sa home decisions mo in the first few days of the month, bez. At may pangingialam ng decisions na nagaganap??? Maling bumili ka ng bagong condo? Di mo kebz mag-live on yer own? Waw sila na pala ikaw?? CHAROT! Keri lang, besh, from those criticisms will grow a fruit of inspiration for a better home life. Tapos isampal mo sa kanila ang mala-palasyo mong studio!

KARIRINNN ang second half of the month! ‘Ya better work, besh! Lalo na ngayon, in the spotlight ang pangalan mo sa higher ups! Awtsu, “Parang hindi naman?” You’re road! (Chos, rude.) Ano ba, Cancer, believe in yourself naman paminsan-minsan o! Time check: iwasan nating maging kanser sa sarili nating self-esteem!

‘Yaaahn puro work+home combo, nabore to death ka na tuloy, wala man lang gimik? Walwal galore naman besh! Bugbog ka pa naman sa events here and there. By the end of the month bundok ng labahan naman haharapin mo kaka-change wardrobe mo for different events…at kakasuka na rin ng feelings at alak…for that matter.

Pagdating naman sa love, abangan ang April 29 dahil hindi ko naman sa sinasabing makikilala mo na ang true love mo ha, pero baka makilala mo, baka sa April 29 pero hindi saktong April 29. Parang April 29 pero mas maaga (‘nu daw?). Watch out dahil in the dazzles ang house of true love mo. Baka nakilala mo na siya… ayaw mo lang i-acknowledge dahil pabebe ka. Kung feeling mo siya na ‘yon, pwes, the feeling is mutual sabi ni universe. 🙂

O siya, tahan na! Better days are coming!

 

LEO (JUL 23-AUG 22)


Hear ye! Hear ye! Nasa circus ngayon ang leon at siya’y tumutulay sa tali. Balancing act ang peg mo for this month dahil marami kang urges to take a leap and explore new possibilities.

Ihanda ang safety net kung sakaling mahulog kasi.. masakit. Madami kang options na iniisip, pero for the first half of the month, pag-isipan mo muna bago ka magdecide dahil deliks ang pagrisk ngayon. Focus, Leo. Set time for the job that pays the biils and the hobbies that keep you creative.

Nararamdaman mo pa rin ang urge para ayusin at linisin ang iyong buhay- healthwise and workwise. Book na ba ulit? Take a step back kapag masyado ka nang nag-e-extra mile with your tasks para ma-reassess mo naman ang iyong priorities. Bigyan na ‘yan ng award!

Sa pagtatapos ng Mercury Retrograde this April 15, pwede ka nang maghandang gawin ang mga nakalista sa notes or calendar mo. Around this time maaaring may proverbial apple na bumagsak sa iyong ulo at magkaroon ka bigla ng a-ha moment! Be quick to note that insight baka lumipad at malimutan!

Nearing the end of month, baka manumbalik ang body image issues or perfectionist attitude mo. Anu-ano ang masyado mong tinututukan at kinakatakutang i-let go? Have your down time with friends and fam, and treat yourself. Hatakin si BFF or S.O. kapag masyado nang mabigat ang emotions mong hindi mo kasi pinapansin. Ayan iyak ka tuloy.

 

VIRGO (AUG 23-SEP 22)

May isang big wave of change na nangyayari from within, Virgo? I feel ‘ya girl. Nagbabagong-buhay ka na. About mid-April medj kailangan mong sumunod sa daloy ng mundo…at hindi lang slight ha. Medj forced ka right now to cooperate with everyone! Mingle-mingle, ganun! Libra-gaming, gay-own!  Ga’non talaga motheeerr, minsan our way is not the only way. I think naman mabe-bet mo whatever comes up in the next few weeks! May konting kirot, but that’s fine! That’s growth! Yes to growth tayo, dibaaa?

Ito pa. Tambak bills mo this month, ha? Pero in fairness, nakakasabay ka pa! Konting tiis na lang baby ghorl, habang umiipo-ipo ang finances at self mo from within eh pak na pak naman ang love life mo especially towards the end of the month. Once in a blue moon ka lang bisitahin ng kupido, make sure lang na mahanap mo ‘yung napana niya for u, o kaya kung tamang person ‘yung iniisip mong pinana niya for u. (No to delusions 2018!!! CHOS). Kung jumojowa ka naman  like Joanne sa Never Not Love You (Oo teh Virgo din siya), try mo siya isurprise this April 12, go on a date like Venus and Neptune will sa araw na ‘yun!

Puro ka werk, werk, werk para sa finances mo, anyare sa dapat na filed leave mo? Ituloy mo na ‘yang naudlot na vacay, bes! Especially sa end of month. Isama mo si dHarLing uR LoVe sO sWe3t. Sureballs, mag-eenjoy ka. 🙂

 

 

 

LIBRA (SEP 23-OCT 22)

Hanu na beh, puro sila na lang ba? Warabout u? Papampam ngayon ang iyong relationship zone. Maaaring too much to handle ang needs ng others even for a giver like you. #mwahuggz

With your naturally giving nature, ipinapaalala namin na magset ka ng boundaries at magdelegate ng tasks. Give and take, Bessiquoh. Don’t burn yourself out! Ang Mercury ay in retrograde pa rin until April 15, kaya first half ng buwan maaaring lost in translation pa ang vibes. Ngunit! Subalit! Datapwat! Pagkatapos nito, suddenly magkakaroon ng positive direction ang mga kaganapan! Yahoo!!

Buong buwan, ilang beses mong gustong lunukin ang bato at sumigaw ng Darna para lang makayanan mo ang mga bagay-bagay. Ugaliing pag-isipan ang mga galaw dahil ayaw natin ng cold war. Take shelter muna from your triggers so you can focus on your tasks. Around April 19,

so better together ang peg with a special person or project na maaaring bumuhay sa’yo muli.

Bago magtapos ang buwan, maaaring magkaroon ng pagbabago sa bahay–may lipatan bang magaganap, renovation, or pag-uusap between you and ang ilaw ng tahanan? By the full moon on April 29 baka may pera!! Pero para makuha ang reward na ito, ang pagbigay halaga sa iyong sarili ang siyang susi na makakabukas sa padlock ng iyong career kabuhayan showcase!

Oh ano pang hinihintay mo? Self-love naman diyan!

 

 

SCORPIO (OCT 23-NOV 21)

PRIORITY NG FIRST FEW WEEKS OF THIS MONTH AY PAHINGA! Pahinga, dear Scorpio! Kung san-san ka naglalamyerda for fun and moneh, o tapos ngayon hapong-hapo ka. Break time munaaaa!!! This month, watch out sa updates ng sibz or couz, they might be feeling down a lot lately. Don’t forget to check up on them. Malay mo, a chika with u is all they need para bumack-on-track ang good mood. 🙂

Surprise! It’s the start of something new! May darating na project na mukhang bibiglain ka to the max! It’s yer chance to shine and lead your group dahil mukhang mahahasa ang expertise mouhz! Enjoy your independence in this project, bez! Ang downside nito, ang gulo-gulo bigla ng office life mo. Daming nangyayari at the same time, hindi maka-kalmanatics?? This whole gulo might take a loooong while, but universe got ‘ya back! Remember, celestial favorite ka pa rin kaya anything planned for you will still be for your benefit.

OMGGGG sa end of month, bez!!!! May closure na mangyayari! Project o relationship, we’ll never know. Pero lahat ng endings ay may kasunod na beginnings, at mukhang good naman for u ang new beginnings. Stay strong!

 

 

 

 

SAGITTARIUS (NOV 22-DEC 21)

Focused ka ngayon na hanapin ang next spark para ika’y magising from your slumber. Marahil nakatulong ang Holy week last month at nakapag-isip isip ka sa iyong estado at present.

Ngayong April, feeling mo nasa temptation island ka at hirap kang pigilan ang iyong impulses. Maaaring medyo restless ka at ayaw mong magpapigil. Pero kailangan mong i-monitor ang iyong temper dahil baka lumiyab ka at ‘di sinasadyang makapaso ng iba (gaya ni Gio ng Never Not Love You. Oops! Sag ba siya or Scorpio sun? Pag-usapan natin mga marz!)

Habang in retrograde pa ang Mercury until April 15, you may have to deal with an unresolved ex! Hala ka. Nire-“research” mo pa ba sila? I-resolve na ‘yan kasi after the retrograde magkakaroon ka ng sparks! In love or creativity or both! Medyo stressful ang state ng iyong career and finances. But on the upside, errbody wants your skills and intellect! This might mean na double time ka, pero kaya ‘yan! Baka may ma-revise na plans or budget issues.

By the end of month, call to action mo ang paglilinis ng mga habits na nagpapahirap lang naman sa’yo. Pahealthy ka naman and learn or improve on delegating tasks. Bigyang attention rin ang iyong gut feelz. They’re particularly strong this month. On the full moon this April 29, baka maging sensitive ka with the secrets and emotions na pilit mong tinatago.

 

 

 

CAPRICORN (DEC 22-JAN 19)

Woot, woot!!! Nangangamoy new job or position, beees! Bago tanggapin, isip-isip muna if ‘ya want the offer or noooot! When in doubt, h’wag mahihiyang magtanong kay mudraks and pudraks! After all, mukhang magiging malaking influence sila sa decisions mo. Whateva you think about the position, postpone mo na lang sa end of month ang pag-decide, besh, para ‘di na kayang makialam ni mumshie Mercury retrograde. 😛 Wais ba, wais?

Ang tunay na April fool’s ay nasa middle of April–beware, Capricorn. Either kakabugin ka ng isang super-duper-mega-uber happy day, o na-knock-outin ka ng isang ultimately stressing situation. Overwhelming on both ends, for sure! Lalo na if it concerns si mumma and puppa.

May pag-sprinkle ng love life si universe sa’yo this month, memshi, para siyang random spots ng dalmatians, nakakalat sa whole month! Well at least every once in a while may ilu-look forward kang ganap pag-ibig, diba? Nice, nice. In terms of barkadahan naman, perfect day ang April 23!!! Isama mo na rin ang April 29 for pahabol funz. Pahabol?! Period lang?! Chos.

So ayun, isang buong buwan ito ng decision-making. GAAHD ang stressful, yes, dahil all the work happens in the mind, but towards the end of the month naman uulanin ka na ng happy moments. Let’s look forward to that. Kampai, senpai!!!

 

 

 

AQUARIUS (JAN 20-FEB 18)

Baka nanggigigil ka na with the communication delays since last month. Pero in retrograde pa rin si Mercury! Hay! Nakakabother! For a communicative sign like you, feel mong hindi “ikaw” si ikaw ngayon.

Marami kang magiging realizations this month and cautious ka sa pakikipagsocialize dahil malakas ang pull sa’yo ng need to heal the inner you- at ayaw nitong magpatalo. Pero ‘wag ka namang magpaka-ermitanyo! Baka ma-stuck ka lang sa utak mo.

While Mercury is still in retrograde till the 15th, marahil mapapabuti kung may extra effort kang to explain your thoughts. Para masigurong on the same boat kayo.

Around April 19, feel mo nang nanunumbalik ang iyong lightning perception and intuition! Reignite your healthy routine kasi makakatulong itong ma-attract muli ang creative inspo and level-up your social network. Magandang time din ito para ika’y magbakasyon at mag-reconnect with your loved ones.

Around the end of month, mararamdaman mo muli ang struggle sa pagbabalanse ng ‘me’ at ‘we’. Then again, ‘yung project na pinaghuhusayan mo a few months back till now ay maaaring mamunga na ng himala! Good job with being persistent as this will have that stable feeling you’ve been needing.

 

 

PISCES (FEB 19-MAR 20)

F! Kabi-kabila ang financial discussions mo with errbodeh, ah? Medyo highlight of the month ang financial difficulties mo at ng mga tao around you, dear Pisces. Kung pwedeng i-triple, quadruple check ang paperworks mo, go. Possible na magkaron ng mistakes and miscomm along the way, lalo na dahil sumisideline na naman si Mercury retrograde. HAAAYST.

Medyo combo-breaker talaga ang finance this month and medj maririnig mo ‘yung word everywhere (you know, the F word! F for Finance!). Mamumuti ang buhok mo kakaisip about it, but don’t worry mumshie piscey, after naman nitong delubyong pinansyal, circumstances like this won’t be overwhelming in the future na.

Anyway, on to the good news!!! Mukhang may pa-travel ka overseas at the end of the month ha? O work ganap na internationally-related? Syaaalin! Umi-international levelz! Sa mga buhay media Pisces sizzums naman, marami-raming ganap at this time sa industry, at mukhang may one stand-alone important project to do. Magiging optimistic (and also financial, ano pa nga ba!) ang approach mo towards this, so no worries! Yakang-yaka mo ito, dreamy Pisces!

In terms of buhay pag-ibigz, sulitin ang time ni Venus sa Taurus until April 24. Minsan lang maging sweet and passionate ang month na ito…kahit pinipiga ni kumareng Mercury. Date-date din after work/school!

 

 

Horoscope by Madayn & Girlypisces
3D Art  by Johann Paolo Tanhueco
Behance: JohannTanhueco