Oo besh, parang ginapang ng lahat ang month of July. Intense ng lahat, ih! Pero don’tchaworry dahil jujulanis morisette na ng happy pills ang August. F-fly na rin ang retrograde ng mga kumareng Mars at Mercury natin. Kapit bisig tayo! Huhuhuhu! O, kapit bisig sa crush sabay sabing, “Augusto na kita, matagal na.”

Cheka!

ARIES (MAR 21-APR 19)

Welcome bak from the grave, siz! Good bye pa-suspense at pa-expense July, hello nagmamadaling (not nagmamagaliiiiing) August!!! With little money to spend huhuhuhuhUhuhu. Ang daming umaatikabong changes this month na parang mga pimple na sureballz mapapansin mo talaga memsh! Stahp na ang waiting game sa text back from the ex dahil maaamshie mas likely na may mameet kang very very special someone na may kakaibang sparkz! At, eto ha, ‘di to first date and goodbye. Taking it slow ang tema ng love life mo ngayong buwan so take diz chance with this new wonderful person! Pak!

Besh! Pa-check up ha! Baka may pregnancy news lately? Isang super kaduper big news ang darating sa’yo na children-related, most likely may shontis na beri beri close to u…or pwedeng ikaw besh!!! Pakibantayan ang period memsh at baka ito na ang chance na hinihintay mo. Welcome aboard, baby! Or pwede ring quality time with mga baby junakis at cutie pamangkins! Sing-hashtag #BLESSEDT ka rin naman with your friendshipz this month lalo na on mid-August sa dami ng magiging ka-support mong kumare and kumpadres giving you all the loooove you deserve.

Hay dear Aries, para kang nanalo sa lotto sa blessing this month, anek? Dahil pati career mo, affected ng positive vibes! Ang dating medyo hilo-hilong work pa-epek ay magiging stabilized na, may possibility of a raise o surprise bonus pa! Pi-Picasso naman ang creative self mo as the month runsl! Dikit-dikya rin tayo with memshiez and VIPs at work besh, baka maintroduce ka to someone important o mabigyan ng promising project!!!

O pak daming anda! Libre naman d’yan! Better days are coming, mare. Stahp crying na. Mwa.

 

TAURUS (APR 20-MAY 20)

Kaibigang Toro! Ito ang top 3 mong tema this month: Home, Communications, at.. Fragility?! Halasha! Mistulang magkakaroon ng rearrangement this month. Kung akala mong maglilinis lang ng kwarto, think again! Mala ano siya, your whole world pala *lunok!*

Dahil sa retrograde season, dahan dahan lang (2x). This is for your own good! For sure maiinis ka kapag minadali ka, amiright?? Make this your opportunity para pag-isipan kung saan saan mo nga ba tinutuon ang pansin mo. Nakakadagdag ba ito sa iyong well being or naghuhukay ka ng problema? Naku!!! Make it one less problem before this month ends!

But shemps, treat mo rin sarili mo. You do you, Taurus! Basta marunong kang magback up ng files, kokonti ang problema mo sa trabaho. Pag naghang ang desktop or application, CHILL~~~~. No time to chill? Gumawa ng time! Lumabas at magpalamig ka munaaa, palamig ka munaa.

Last August 11, maaaring maramdaman mong nagbabago na nga ang family status mo at may kinalaman ito sa kamag-anak na babae. At parang walang depinisyon ang work-life balance dahil pati ang trabaho mo, tila may restructuring na kaganapan! May bago ka bang tasks bigla? uwu Baka new opportunity ito for you!

Sa katapusan ng buwan, magigising ka muli! Lalo na ang iyong creative insights kung tila naging tulog-mantika ito. Pagsapit ng August 25, maghanda! Dahil super powerful ang araw na ito bilang in harmony ang mga planeta. Ika nga, “Golden Triangle” ang tawag dito. Kung may gusto kang gawin, na pinag-isipan mo naman, GAWIN MO! Go tayo sa brighter days kasama ang barkada!

 

GEMINI (MAY21-JUN 20)

Hallo, Gemini! Mukhang masusubok ang iyong social graces in order to complete your goal! Kaya swing, swing from the tangles of ka lang muna habang you’re adapting to people’s needs. Para naman hindi ka mahirapang tapusin ang trabaho.

Around August 11, may chance maging powerful o viral ang iyong mensahe! Iyon nga lang, kailangan mo pa ring magstrategize dahil panahon pa rin ng Mercury retrograde, ang pinaka hate mong influence, hanggang August 19. Kung okay ka na sa 70% certainty, eh ‘di push mo yan tea!

Mukhang matatagalan ang iyong pagsosoul searching at deeeeep thinking kung saan patungo ang iyong buhay. Dahil hindi lang trabaho ang on your mind right now, pati mga karelasyon! Nawa’y umiwas ka sa mga alimango’t anaconda, at ilabas mo ang asim na ‘yan para maayos ang well being at karamdaman ng tiyan.

Sa last 2 weeks ng Agosto, magiging nostalgic ka with reconnecting with your  pamily, and loved ones, whew buti na lang! Book na ng leave at i-treat mo naman sila! Kung mayroon kang matagal na kinikimkim na galit, mukhang mabubuksan ang iyong pusong mapagpatawad sa mahiwagang araw ng August 25! Mukhang now is the time to get the burden from your shoulders. Sino ba kasing nagsabing buhatin mo lahat, Gemini? Free yourself, nang pagkagising mo, masasabi mong: kay sarap naman ng simoy ng hangin ngayon. Indulge.

Shangaps! Galingan mo dahil baka may promotiong maganap around this time! Or makakakuha ka ng one up from the boss!

CANCER (JUN 21-JUL 22)

Kaka-entrada lang ng August, pero mukhang hangover ka pa rin sa eventz ng July. Memsh, sheged ang geshtesh me lesht menth! Kaya this month’s highlight: pera ng iba ahuhuhuhuhu. Make bayad-bayad sa mga utang at bills while hopelessly wishing na iapprove ang pa-cash advance mo. Tipid hits muna tayo, dear Cancer. Mukhang hanggang November pa itong Petsa de Peligro gaming mo.

Tight man ang budget mo powz, health is wealth pa rin marekoy! Kaya kung recently eh may pa-rayuma epek sa tagiliran o mga sugat na hindi gumaling-galing, ipacheck up na po. Surgery’s on top of mind, na mukhang di mo na pwedeng i-delay besh. HUWAAAG DING IDELAY PA MORE ang anumang romantic events this month nang kumaliwa’t kanan ang jackpot mo this month. Shebe keshe ng mge kepede dyen she tebe-tebe, may pa-tadhana vibes ang makikilala mo this month.

Grabe po, anek? Hanggang August may pa-rainfall ng mga nagbabagang balita–lalo na sa iyong mga ka-friendshipz! Doubting moment for you as you look back kung this certain friend ba ay naging friend ba talaga at all to you? Abangan sa La Buzz!!! Cheka. H’wag namang kalimutang i-buzz ang mga ka-ms. international friendships dahil mukhang malaki-laking catch up ang mangyayari between you.

When it rains, it pours naman sa iyong buhay trabaho! Josqo! Pero positive lang tayo mare, good things come to those who weight…este, WAIT! May silently impressed sa’yo, akala mo lang wala pero meron, meron, meron, chot!  Pak palakpak naman ang end of month! Besh time to travel at this time…with jowa o friends! Kalurkey, lonely maging alone at this time of the month beshie ko kaya makibaka-syon with your forever barkada support system. Lalangoy na ‘yan ih!

 

LEO (JUL 23-AUG 22)

Ipahinga ang mga pangil, beshie! Mukhang may naganaf na bakbakan very recently with someone? Iborlogz mo na lang kesa ma-irita avila ka pa, siz, dahil magiging medyo problematic ang iyong general life affairs all because of work. Truelaley, beshiemae, napapasobra na ba ang work iz life motto mo? Na pati si jowabelles ay tumatampururot dahil wiz na kayong time togetha. Quick fix lang ‘yan mars! Lumuwas with jowa sa inyong favorite destressing places! Kung di keri lumuwas edi sa bahay mag-fieldtrip! Bring home the vacation, siz.

Pero pero pero pero!!! Kung workmate ang katampuhan, baka iz about time to get a closure at mag-part ways momshie, lalo na’t sangkatutak ang risks sa career na super kaduper exciting (!!!) except for this one na baka i-hold back ka pa ng very very long naku naku naku! Nasa highblood stage na si kumare, unless ready kang magdramarama every day until mag-happy September kasama siya. Pero fly fly na bez, ‘pag di na worth it. For big decisions, best to wait sa ber months memshie! Pero kung may pa-renovation epek sa bahay, keribumbum besh i-golalash mo na ‘yan! Tumambay sa home depot, bumili ng bagong flower vase, magpaka-minimalist, pak! Everything house-related works best for u at this time beshie, at may ekstra help pa from la familia! Ka ching, ka ching!

Shalaaa ang career mo habang gumo-growing economy ang iyong bulsa until the end of August! Chismis of the town din ang iyong good standing sa trabaho. Can’t stress it enough for you, dear Leo. Crowd favorite ka this month at work. Kasunod niyan, posible ring may pa-surprise jackpot prize na parating! Dumadami na naman ang anda ni mudraaa! Say bye bye to your frustrations because Leo, in the end, ikaw pa rin ang may full grip ng buhay mo. Take the seat!

VIRGO (AUG 23-SEP 22)

Mga kapwa Virgo mamzer! Kailan mo last time sinabihan ng TY o ILYSM ang iyong pamilya? Dahil mukhang lumalakas ang iyong emotional strength dahil sa kanila. Aww watanays! Tenkyu mi familia!

Dahil for this retrograde season, kakailanganin mo talaga mamanage ang iyong emosyon dahil rambulan all around you at ‘di mo maintindihan kung bakit ikaw ang napapagtripan! Umaaraw! Umuulan! Bumabaha! Backup ng files! Para hindi mangyari ang mga “ay…” moments!

Tama ba, last August 11 tinamaan ka ba ng pagiging woke sa iyong situation? Dahil payo namin ang magconcentrate ka sa iyong sarili para maaccomplish mo ang iyong goals and dreams in life. Nakikipaglaro pa rin ng tug-o’-war ang iyong sense of control and sense of surrender. Good news is, kapag may dreams involving travel, studying, o ang pagtayo ng sariling negosyo, good time itong magresearch pa muna para mai-todo na ‘to next year!

Madaming nangyayari ngayon at bilang isang earth sign ka, tinatry mo ang iyong BEST para mag-stay grounded. Buti na lang SA IYO NA ANG PAGIB—ANG KORONA BY AUGUST 23!! Super love love love ang being back to your comfort zone!

Naku sa August 25 napaka potent ng araw na ito para LUMABAS AT MAGSAYA. So, kung may gusto kang puntahan, or may gusto kang i-share sa socmed, tila masaya ang mga taong makita kang nag-eenjoy. Make your mark! Around this time, baka magkaroon ka na ng sinisinta! Time to live out loud again, Virgo! Gora agora! Dalin mo special peeps mo and share the joy!

 

LIBRA (SEP 23-OCT 22)

Ayy! Lumaban si Libra matapang! Ayy! Mukhang palaban ka this month at wal—WALA NANG MAKAKAPIGIL SA’YO! ACHIEVE! So ayun na nga, you’ve finally decided na enough is enough and kinakaya mo nang i-assert ang beliefs mo!

May kaganapan ba last August 11? Balita namin perfect na perfect ang araw na ito para sa isang perfect date! Pwedeng with that special someone, o ang kama mo nga naman! (“I only love my bed and my mom I’m sorry”– Go, Drake! Ibirit mo pa!)

So ito na naman tayo sa retrograde season, Kumarz! Pigilan mo sarili mong i-tweet ‘yan! Maghunos-dili ka! Baka kainin ka ng lupa sige ka. O madapa ka sa patag na kalsada. Awow sege. But go and have that retreat na panahon pa ni kopong-kopong mo pang pinaplano. Nagbabago ang mundo mo, my dear. Maaaring may intense kang nagawa, o napagdaanan recently at binabago na nito mundo mo since then. Oh yes. San darating… Basta natanggal ang wig ng mga madla. At ikaw din shookt sa iyong SOON TO BE/ AYAN NA NGANG MANLILIGAW! WALA NA FINISH NA!

Love or hate, tumatambling ka bes ngayon. Dramarama ang paligid dahil sa unforeseen forces. Especially sa bahay. Kumusta ka? Maaaring may kailangan kang pagtuunan ng pansin o nagpapapansin na maayos mo.

Manunumbalik ang chill phase pagdating ng August 23! Healing ang peg mo by this time! Escape ka muna at unahin ang self love. Dahil everybody needs time for themselves. Pero pagdating ng August 25, baka ito na yung legit time mong magprocess ng emotions. Something is still unresolved, Libra. Kailangan mo itong pansinin. Nakalimutan mo na ba ang gintong kasabihan ng Four Sisters and a Wedding? Past is past is past. Isapuso.

 

SCORPIO (OCT 23-NOV 21)

Bessshieeemae! Bumig-time ang panic mo late last month, pero +++points for focusing on your family back then kahit na it resulted sa slight bakbakan sa office. Posibleng nagkaron ng arguments at petty fights, but embrace yourself, besh! Medyo at werk lang din si kumareng mercury retrograde, hemsherry nadadamay ka. Hayst, parang dramarama sa hapon ang umpisa ng Agosto! Okay, hinga, hinga…ANYWAY!

Panay ulan at floodz everywhere this month, ngunit kasabay nito memsh, uulanan ka rin naman ng samu’t saring swertito at titaaaa! Remember, ikaw pa rin ang celestial favorite! 😉 Posibleng may big career news, hmmm…promotion? Or new path na gearing towards sa iyong fantastic dream career! Maliban d’on, pauulanan ka rin ng questions here and there! Medyo mukhang you are the answer this month, dear Scorpio. Sangkatits ang magiging decision-making sesh mo, especially sa family life. Naging very very hard para sa iyo ang mag-decide for the whole family pero wake up, besh!!! Positive lang tayo. It only means fully trusted ka sa mga ganitong kyeme! Ahe!

Medyo a long and winding road ang first half of the month, PEROOOO! As the month ends ay mareredeem ang quality time at pa-happiness epek ng univesre para sa’yo, lalo na’t nakabuntot sa’yo ngayon si mareng kupido ready na ipana ang true love mo! Lahat ng nangyayari sa’yo this month ay blessing in these guys, THESE GUYS????  Disguise! This may be your best full moon yet. Maraming pa-happy surprises ang universe for you, so abangers lang tayo mums! Habang minumuni-muni ang long-term goals mo sa future, mukhang may beshiecake ka na in mind to spend it with?? Naks.

Pack your bags, besh! Late August will be a best time for travel with ka-friendshipz…o jowa! Pak. Kung at this point in time ay nagpaplano ka ng marriage proposal, best bet ni universe to do it while you’re travelling together. Tiyak, flying colors ka!

SAGITTARIUS (NOV 22-DEC 21)

Hep, hep!!! Slow down, the zodiac’s traveller! Nag-paguran festival ka buong month of July sa dami ng deadlines na kailangang i-achieveee to the highest level kaya naman handog sa’yo ng Agosto’y slow, smooth dance. Besh, isa-isahin lang ang pagpana sa mga duties, anek, pa-HINGA (highlight sa hinga, huminga ka, besh) season po tayo, hindi burnout. Oki, oki? Medj steadz nga lang ang stressbolz sa career life, may atras-abanteng decisions here, there and everywhere pero keri mo ‘yan, tsong! Tiwala lang and we’ll get there, keribel!

Gets kita, sobrang nakaka-demotivate na ng stress in your life na hindi na ito healthy–pero besh–despite the cold, labo-labo na weather, your efforts in both career and love life are being recognized. YEEEZZZ. The universe has receipts of yer halong dugo’t pawis efforts to make everything better, memshiekesh. H’wag lang nating madaliin. Surrender muna natin ang fast-paced life and enjoy this new rhythm. Pak. Everything will get lighter as the month ends, surebols.

Ewan ko ba, sobrang popular ng signature mo this month, laking tension to sign on everything!! Pero baks, kung kering idelay, idelay ang pagpirma especially sa mga big contracts na mahirap layazan! Naku po, ‘lam mo naman pag umariba si kumareng Mercury tapos retrgorade pa? Thou shall not have regrets ano po. Mag-ingat-ingat naman sa current commitments, maraming nakakalurkeeeey na consequences and setbacks na mangyayari dahil kay mamser Mars and Uranus lalo na’t pang-international ang dala nilang pa-jepek. BUUUUT! At the same time, maraming possibilities in the open na pang-miss international ang labanan. Whatever luck gives u, grab lang nang grab besh!

Boom, closing program ng August ay family matters. Mashoshontis ka na naman ng kanin sa handaan galore ng mudraks for anniversary o pa-reunion ng kapinsanan ng Maynila! Posible ring may lipat-bahay gaming na maganap. Anumang ending, pusta kong mesheye, beshee.

Maliban ‘don! Isa-isa nang magdidisappear ang iyong problemang career habang maingat na dala ni madam universe ang korona ng gantimpala! Promotion season na rin kaya? Tataas ang sahod?? ERMAGERDDD BLESSINGS!!! Tagay, icelebrate na ‘yaaaan!! Ngunit, teka lang, SHEGLEEETT! Bantayan ang gastos hanggang September mami, pagdating sa gastos madalas there’s no other way but up. Hele.

 

CAPRICORN (DEC 22-JAN 19)

Huy! Ingat ingat naman sa powers mo Capricorn! Alam mong it bears responsibility pero may mga emotional hanash and miscomms kasi maaaring maganap (kailan bang hindi? Charot!). Career and worldly desires with the side of family concerns ang tema ngayon kaya ingat ingat lang sa mga salitang mabibitawan.

Chill ka muna with your expenses. Mas mabuti ngang itago mo nga wallet mo eh. Ingat! Baka maiwan ang atm cards! Sa usapang financial, either matumal ito or stuck ang iyong transactions.

Around ng August 11, maaaring may bagong gimik kang biglang mapapasukan! Door #1: Inheritance ni Mama at Papa! Door #2: Proposal na nga! Ito na siya! o baka Door #3: Wildcard! Ingat lang, maaaring may mga makikisawsaw sa mga intimate relationships. May chance na galing pa ito sa iyong pamilya.

Dahil nga eh, retrograde season ngayon, naandyan na naman ang mga ex na umaaligid sa tabi-tabi. Ikaw na bahala diyan Cap. Maaari din naman na biglang mag-iba ang ihip ng hangin at gusto mong magtry ng something new! Pero be humble pa rin kahit mataas na ang nararating mo. Dahil ang baka kumatok sa pinto ay ang dating confidence issues mo ☹

Pero! Pagdating ng August 23, PARANG GUSTO MONG LUMUWAS MULI! FOOD TRIP GALORE ULIT! Kung may means ka naman, gow lang! Basta walang sabit! Sa panahong ito, marami kang visions bigla like its for the brighter future for you, for your S.O., and for your madla! Mistulang darami ang followers mo nito! Online and off!

Bago matapos ang buwan, iyong matagal mo nang sinosolb o hinihiling ay SA WAKAS! MARERESOLBA DIN! So mag chill ka na ulit with your friends. Iba talaga kapag masarap ang pagkain, at masaya ang palaisipan.

 

AQUARIUS (JAN 20-FEB 18)

Ooh la la! Mukhang may kabang-abang na vision and realization na magaganap! Makakamit mo na ang clarity na matagal mo nang hinihingi’t hinahanap! Kinakarir mo masyado ang iyong career. Backseat muna ang family concerns.

Anyway, retrograde season pa rin ngayon, Akwa! Pero mukhang nagbabago ka na dahil natututo ka na. Napapansin mo ba? Parang ang laki na ng pinagbago mo since last year. Nais lang namin ipaalala na ang tema mo for 2018 is balancing your personal life and your partnerships, friendships, and businesses! Towards brighter days ang iyong career ngunit kailangan mong magtrabaho nang maigi para makuha ang ‘yong heart’s desire.

Basta ‘wag kang maging mapilit diyan. Don’t force changes agad agad! Tingnan mo, ‘yang inakala mong “failure”, blessing in disguise pala. Sushmita sen! TYL!!! At kung ika’y kasalukuyang naghahanap ng trabaho, in luck ka bezzie!

Maaaring magkaroon ng problema sa isang babae – kapamilya o katrabaho man ‘yan, nawa’y hindi bumula ang bibig mo sa kanyang demands! Mag walk-out kung kinakailangan para hindi mo i-regret ang actions mo!

OMG. Pagdating ng August 23, may ginhawa kang mararamdaman ukol sa iyong financial or emotional problems! Parang nabunutan ng tinik kumbaga! Sa wakas may enlightenment kang natanggap sa kung papaano ito mareresolba!

Sa katapusan ng buwan, pwiding pwidi nang i-pundar ang mga plano mo. Let’s get physical! 😀 😀 😀

 

PISCES (FEB 19-MAR 20)

Uy, daming paganap ah? Pero mukhang in hiding pa ang lahat ng nagbabadyang planz both sa life in general at sa career??? Shocks, mukhang December mo pa isisiwalat. Keri lang motherbells, swak ang timeline mo with the universe. Speaking of perfect timing, diba? Nakangs! Mas lalo kang magiging in-demand sa iyong field this month beshie mae, mukhang eberebodeh needs you for a thing or two. Oks lang, best asset mo naman ‘to!

Sa kabilang banda, medj naging extra hard ang pag-squeeze ng creative juices mo recently dahil rumeretrograde si MnMs!!!! (Mars & Mercury, ahahaha!) Hayst this atras abante life kasi parang, mas better yung nauna nung nakaisip ka na ng third idea??? Naririnig mo ba mumshie, ang mga bulong-bulungan sa paligid, ang chant, “Saaaammeee.”Buti na lang din kamo pa-back to basicz na ang MnMs. Reresbak na ang courage natin, mumshie, mas motivated ka na to solidify your thangz!!!! Yahoo! Struggles ba kamo??? Hetong sa’yo, universe! SNUGGLES! Pero itong si certain friend yata hindi lang snuggles ang bigay sa’yo kung’di…ermagerd, nakakalokang opportunity at…may pa-regalo???? Anek ang okasyon? Anu’t anuman, you will know, beshiemae.

May pa-round up naman ng symptoms si Universe ng early August. Ano itong biglang back pain na nararamdaman mo? Sakit sa mata? Sheket she peshe??? Cheka! Best time of the year para magpa-check up sa lahat ng parte ng katawan, memsh! Yehesss, pati mental, take care of your body and your mind po. So I say, kung naghahanap ka ng sign para pumunta sa doctor, ito yun. Absent ang mga apple, here comes the doctor!

May pattern na ba besh? Highlight ng month na ito ay career at health, or both at the same time! Maraming pa-surprise si Universe sa dalawang temang ito kaya maging mapanuri, mapagmatyag, mapangahas, matanglawin! Ay? Cheret. Magco-close open, close open ang mga opportunity this month at posibleng lumo-lola techie ka na rin with your new found gadgetz! Syaaalin, dami anda! Dami ring time pang-love life! Deserve mo ‘yan. 😉